Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Tulad ng ibang negosyo, ang produksyon ng manok ay humaharap din sa mga hamon, kabilang ang cash flow, inflation, economic downturns, at market volatility. Sa kabila ng mga ito at pagbabago, nananatiling kumikita ang pagmamanok. Gayunpaman, laging kinakailangang gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upang mapahusay ang productivity at profitability.
Karaniwang payo upang mapataas ang productivity, profitability, at economic sustainability ang pagsasaayos ng efficiency, pagbabawas ng pagsasayang, pamamahala sa gastos, pagsusuri ng presyo, at pagpapabuti ng imprastruktura sa pangmatagalan.
May kaugnayan din ang environmental sustainability sa pagbabawas ng pagsasayang, emisyon, paggamit ng enerhiya.
Pakain ang pinakamahalang bagay na nakaka-apekto sa production costs at sustainability structures sa buong mundo.
Feed formulation ang pinaka-epektibong paraan upang mabawasan ang gastos sa pakain.
Ang least-cost feed formulation na batay sa linear programming ay nakakabawas ng mga gastos ngunit hindi nito isinasaalang-alang ang pag-maximize ng kita ng negosyo.
MGA PROBLEMA SA LEAST-COST FEED FORMULATION
Pinagtibay din ng least-cost feed formulation ang ideya na ang mga nutrient levels na nakukuha sa mga Tables o Breeder Guides, ay di nababago. Sila tuloy ay nagiging absolute requirement.
Ang mga “nutrient requirements” na ito para sa manok ay mga halagang tinukoy para sa maximum biological performance sa iba’t ibang magkakahiwalay na pagsusuri. Ibig sabihin, tatlong nutrients lamang ang natukoy sa ilalim ng magkatulad na kondisyon.
Gayunpaman, ang mga energy at nutrient levels na makakapag-maximize ng kita ay malalaman lamang kapag nagsagawa ng isang econometric analysis para sa bawat merkado at production site..
Ang pinaka-profitable na mga nutrient levels ay maaaring mag-iba, depende sa mga pagbabago sa feedstuff cost at presyo ng manok na ibinebenta (buhay na manok, karne, cut-up parts, itlog, o bigat ng itlog)..
Isang karaniwang isyu sa least-cost feed formulation: Kapag tumaas ang presyo ng mga protein sources tulad ng soybean meal, ang mga mathematical solutions ay madalas magbabawas ng dietary amino acid density para pamurahin ang pakain.
Kaya lamang, ang mga broilers ay sensitibo sa amino acid intake.
Kapag mababa ang amino acid levels, maaaring magkaroon ng mas mababang growth rate, yield, mas mataas na fee...