Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Ang pagkabaog ng mga breeder ay isang pagkaraniwang alalahanin sa produksyon ng broiler breeder.
Madami ang sanhi ng pagpalya sa usapin ng reproduksyon.
Maaring may kinalaman sa mga babae ang pagkabaog, ngunit mayroong mas malaking epekto ang mga lalaki.
Ang pagkabaog ay kombinasyon ng tamang spermatogenesis na may kinalaman sa malusog na reproductive tract at sa pag-uugali sa paghahanap ng katalik na malaki ang kinalaman sa dami ng plasma testosterone. Ang mga aspeto na ito ay may mataas na kaugnayan sa laki o timbang ng itlog.
Sa Figure 1, makikita ang normal at malusog na reproductive tract ng isang broiler breeder na tandang. Ang semilya na laman ng ductus deferens ay nagtatanda na ang tandang na ito ay gumagawa ng semilya.
Figure 1. Normal na reproductive tract.
Ang labis na pagtaas ng timbang habang tumatanda ang mga tandang o hindi magandang porma ay maaari ring magdulot ng hindi kumpletong pakikipagtalik sa mga tandang at di kalaunan ay pagbaba ng fertility. Sa kabilang banda, ang mga tandang na may mababang timbang ng katawan (< 3,800 gramo) ay nauugnay din sa mababang fertility.
Figure 2. Unilateral orchitis na dulot ng E. coli. Ang kaliwang itlog ng isang 27-linggong tandang ay namamaga at iba ang kulay.
Ang pagkabaog ng mga tandang ay tumataas sa edad na 40 linggo ngunit maaari itong mapabilis dahil sa mga sumusunod:
Hindi optimal na paglaki sa panahon ng pag-aalaga. Ang mababang timbang sa murang edad ay nagiging sanhi ng mas mahihinang sisiw sa grupo at mas mababang posisyon sa antas ng pecking order. Ito ay nagdudulot ng stress, mataas na antas ng corticosterone sa dugo, bawas na bilang ng testosterone, pagka-antala ng pag-develop ng itlog, at potensyal na mas mabilis na pagbaba ng performance ng itlog habang tumatanda ang mga tandang.
Matagal na pagkabilad sa araw na mas mahigit sa 12 oras noong pinapalaki pa lang.
Pagtaas ng pagkabilad sa araw na mahigit sa 12 oras makalipas ang edad na 40 linggo.
Mababang kakulangan sa nutrisyon sa panahon ng pagpapalaki at pag-aasawahan.
Ang mataas na pagpapakain ng crude protein at calcium sa mahabang panahon na katulad ng lebel na nakikita sa diet ng mga babae ay maaaring magpababa ng konsentrasyon ng sperm sa mga tandang na higit sa 55 linggo and edad.
Mga sakit na dulot ng infectious bronchitis virus (IBV), avian metapneumovirus (aMPV), avian influenza (AI), Mycoplasma gall...